Thursday, July 6, 2017

LEYTE, NIYANIG NG MALAKAS NA LINDOL!

Niyanig ng malakas na lindol ang probinsya ng Jaro, Leyte. Ayon sa advisory ng PHIVOLCS, 6.5 magnitude ang tumamang lindol sa naturang lugar kaninang 3:45 ng hapon.  Tinutukoy na ang epicenter ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Jaro, Leyte na may walong (8) kilometrong layo.

Ang pagyanig ay tinatawag na tectonic earthquake na may lalim na umaabot hanggang dalawang (2) kilometro. Ang mga pagyanig ay nadama din sa Tacloban City, Palo Leyte, Cebu City na umabot sa intensity 5. Intensity 4 naman sa Negros Occidental, Sagay City, Tolosa Leyte, Burgos at Surigao del Norte, Intensity 3 naman sa Bogo City, Cebu, Calatrava, at Negros Occidental. Intensity 2 naman sa Libjo,  Cagdianao, San Jose, at Dinagat Islands; At Intensity 1 sa Roxas City at La Carlota City, Negros Occidental.

Wala namang agarang babala sa isang tsunami ayon sa Pacific Tsunami Warning Center. Sinabi din ng PHIVOLCS na may inaasahang pinsala at aftershocks mula sa lindol.

Share:

0 comments:

Post a Comment

Copyright © DUTERTE NETIZENS | Powered by Blogger
Design by SimpleWpThemes | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com