DATING HITMAN AT TAGA DELIVER NG DROGA NG MGA PAROJINOG IBINUNYAG ANG MGA ILIGAL NA GAWAIN NG PAMILYA
Matapos ang paglusob ng mga operatiba ng Ozamiz City Police sa bahay ng Pamilyang Parojinog, ay naglakas loob ang isa sa mga dating hitman at taga deliver ng shabu ng mga Parojinog, sa isang ekslusibong report ng ABS-CBN.
Narito ang kabuoan ng report: Courtesy of -- Kori Quintos, ABS-CBN News
Exclusive: Hitman at drug courier ng mga Parojinog, ikinanta ang mga 'krimen'
Eksklusibong humarap sa ABS-CBN News ang nagpakilalang hitman at drug courier ng 'Parojinog organized crime group' sa Ozamiz City. Isinawalat niya ang umano'y koneksiyon ng pamilya Parojinog sa iba't ibang krimen, kabilang na ang ilegal na droga at pagpatay.
Naglakas-loob humarap sa ABS-CBN News si alyas 'Noel', dating 'tirador' at taga-dala ng ilegal na droga para sa pamilya Parojinog.
Ayon kay Noel, parami na nang parami ang mga kasama niyang nagtrabaho noon para sa mga Parojinog ang nawawala ngayon at hindi nakauuwi sa pamilya.
Magda-20 taon na raw si Noel na nagtatrabaho para sa mga Parojinog.
Aniya, siya ang pinapupunta sa Bilibid para kumuha ng kilo-kilong shabu na ide-deliver sa Ozamiz.
Pagdating sa Ozamiz, pinaghahati-hatian ng mga Parojinog ang ilegal na droga.
Kabilang umano sa mga humahati sina Ozamiz city mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog, Sr. at anak niyang si vice mayor Nova Princess Parojinog.
Napatay ang alkalde sa raid sa kanilang bahay nitong Linggo, Hulyo 30. Habang inaresto naman ang anak niyang si Nova Princess.
Hindi lang daw ilegal na droga ang operasyon ng pamilya. Dawit din umano sila sa panghoholdap.
Nasubukan na rin daw ni Noel na pumatay at mag-chop-chop ng katawan ng mga taong hindi kasundo ng mga Parojinog.
Dahil na rin sa takot, hindi na raw nagawa ni Noel na umalis sa panunungkulan sa pamilya.
Kapag daw kasi hindi sinunod ng mga tauhan ang utos ng mga Parojinog, ipinapapatay sila.
Pinatotohanan din ni Noel na may mga ipinatagong armas ang mga Parojinog sa mga kapitan, empleyado ng gobyerno at mga malalapit na kaibigan ng pamilya.
Ayon kay Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido, mula pa noong Hunyo, nasa higit 200 na ang nagsuko ng mga armas sa kanila na galing daw sa mga Parojinog.
ANONG MASASABI NINYO DITO MGA KABABAYAN?!
0 comments:
Post a Comment