Ibinida ni PCOO Secretary, Martin Andanar ang isang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte sa gobyerno. "President Duterte, one year in office, feels like three years.", ani Andanar sa isang ekslusibong panayam nito sa programang Usaping Bayan. Inisa-isa nito ang mga nagawa at naisakatuparan ng Pangulo. Samantala, binatikos din ng mga taga social media group ang panunungkulan ng Pangulo sa loob ng isang taon lalo na ang ginawang deklarasyong Martial Law sa Mindanao. Panoorin ang video para sa kabuuang balita.
Inisa-isa nito ang mga naisakatuparang batas at mga proyekto ng Pangulo. Tiwala at suporta ang kailangan ng Pangulo ang dapat pairalin para sa ikauunlad ng ating bansa. Ikinatuwa din lalo na ng mga magsasaka ang pamamahagi nito ng lupa na matagal ng inaasam ng ating mga kababayang magsasaka. Iilan lamang ang mga ito sa naitala at tinawag ni Andanar bilang "Record breaking" sa mga nagawa ng Pangulo sa unang taon ng kanyang administrasyon.
Samantala, binatikos din ng mga taga social media group ang panunungkulan ng Pangulo sa loob ng isang taon. Iginiit din ni Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan ang usaping pangkapayapaan lalo na ang ginawang deklarasyong Martial Law sa Mindanao. Balak din gumawa ng protesta ang grupong Makabayan sa pangalawang SONA ni Pangulong Duterte.
Kung nagkakaisa lamang ang bawat Pilipino ay mas naging maganda pa ang naging resulta ng pamumuno ng ating Pangulo para sa ikauunlad ng ating bansa lalo na ang pakikidigma nito laban sa ilegal na droga.
0 comments:
Post a Comment