DUTERTE, PINAALALAHANAN ANG PSG SA DAPAT GAWIN KUNG SIYA'Y MAMAMATAY!
Pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na dapat sundin ang konstitusyon na nagsasaad na ang bise-presidente ang karapat-dapat na pumalit sakanyang posisyon kung sakaling siya ay mamamatay sa gitna ng kanyang termino.
Sa kanyang mensahe sa ika-120 anibersaryo ng pagdiriwang ng Presidential Security Group (PSG), inihayag ng Pangulo na may malaking problema kung siya man ay mamamatay bukas, sa susunod taon o sa susunod na buwan dahil mayroong dalawang claimants sa pagkapangulo. Aniya, si Pamatong, ang kanyang sunuspindeng abogado, ay nakapag-organisa at nagdeklarang nag take-over na habang nariyan si bise presidente Leny na otomatikong papalit sakanya.
Samantala,sa kabila ng hindi pag-uusap sa halos tatlong buwan ay pinatunayan ni Robredo na siya at si Pangulong Duterte ay nagpapanatili ng isang mahusay na pakikipag-ugnayan sa isa't isa.
hwag naman po mahal na pangulo... kailangan na kailangan ka pa ng bayan...
ReplyDelete